Home NATIONWIDE Maraming barko ng Tsina umalis sa Escoda Shoal sa masamang panahon –...

Maraming barko ng Tsina umalis sa Escoda Shoal sa masamang panahon – NMC

153
0

MANILA, Philippines- Kaunti na lamang ang Chinese ships sa Escoda (Sabina) Shoal dahil sa masamang panahon.

Ito ang sinabi ni National Maritime Council (NMC) spokesperson Undersecretary Alexander Lopez sabay sabing ang kalikasan ay kakampi ng Pilipinas.

“Kung ang time frame natin is before yung umalis ang (BRP Teresa) Magbanua marami talaga. Pero nung umalis yun Magbanua, kumonti din sila especially now yun masama ‘yung panahon,”ang paliwanag nito.

“One good thing about here, the nature is our ally. Bagyo ay kakampi natin,” wika pa ni Lopez.

Tinukoy ni Lopez ang BRP Teresa Magbanua, umalis na ng shoal noong nakaraang linggo. Ang BRP Teresa Magbanua ay nasa Shoal simula noong Abril dahil natapos na nito ang misyon.

Ito ay nasa bisinidad ng Escoda Shoal kung saan ang BRP Teresa Magbanua ay makailang-ulit na binangga ng China Coast Guard (CCG), sinasabing ang barko ay nagpipilit pumasok sa Chinese territory.

Nang tanungin naman kung panahon na para humingi ng saklolo ang Pilipinas sa mga kaanib nito sa pag-escort sa vessels nito na nasa routine supply missions sa karagatan, sinabi ni Lopez na “that was not how it works.”

“We have a dignity as a nation. Kaya pa naman natin. Siguro when push comes to show, when worst comes to worst, and that will be a executive decision whether we will to accede their request,” aniya pa rin.

Sa ngayon aniya ay sapat na ang “statements of support” mula sa mga kaalyado ng Pilipinas.

Bagama’t ang government-to-government agreements aniya gaya ng grants, at probisyon ng ships at assets sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) ay mas malaking tulong dahil mapahihintulutan ang mga ito na mas maayos na makapag-patrolya sa pinagtatalunang lugar.

“Just imagine sa laki din ng kabila. Kung ganun sila kadami mag-deploy dapat ganun din tayo para hindi tayo mabully,” ang binigyang-diin ni Lopez.

Suportado naman ni Lopez ang suhestiyon ni Senador Francis Tolentino na umarkila ng foreign ships para palawakin ang maritime fleet ng bansa.

“Habang wala pa tayo talagang atin, it’s an option mag-arkila tayo. Maganda ang suggestion ni Senator Tolentino,” giit niya.

“In fact, pinag-iisipan na ‘yun dati,” sabi pa ng opisyal. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here