Home METRO P3M ‘pekeng’ shaving razors nakumpiska ng NBI

P3M ‘pekeng’ shaving razors nakumpiska ng NBI

135
0

MANILA, Philippines- Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P3 milyong halaga ng umano’y pekeng Gillette Rubie II at Gillette Blue II shaving razors sa Maynila noong Setyembre 17.

Sinabi ng NBI na ang “fake shaving razors” ay nakuha ng Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ng bureau sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ng korte.

Sinabi rin na ang operasyon ay isinagawa bilang bahagi ng direktiba ni NBI Director Jaime B. Santiago na sugpuin ang talamak na pamamahagi at pagbebenta ng mga pekeng produkto.

Bukod sa operasyon sa Maynila, sinabi ng bureau na nasabat din ng mga operatiba ng NBI-IPRD ang mga “pekeng produkto” sa Cavite noong Setyembre 17 sa establisyimento na pag-aari umano ni Geraldine Delantar Sebastian sa Barangay Sampaloc 4 sa Dasmarinas City, Cavite.

Sinabi ng NBI na ang operasyon ay nagresulta sa pagkakasamsam ng ilang kahon, lalagyan, bote ng sari-saring produkto ng P&G na may tinatayang halaga na P500,000. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here