Home NATIONWIDE PH gov’t balak mamahagi ng lupain sa agri grads para makahikayat ng...

PH gov’t balak mamahagi ng lupain sa agri grads para makahikayat ng new-gen farmers

MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes ang kahalagahan ng pamamahagi ng lupain sa mga nagsipagtapos ng agriculture-related courses upang magkaroon ng bagong henerasyon ng mga magsasaka na mayroong modernong teknolohiya at kagamitan.

Sa ceremonial distribution ng Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) sa 1,217 agrarian reform beneficiaries sa Coron, Palawan, sinabi ni Marcos na kailangan ng bansa ng bagong henerasyon ng mga magsasaka para sa agriculture sector.

“Sa araw na ito, higit sa 1,200 beneficiaries ang makakatanggap ng inyong CLOA at e-title. Mabibigyan din natin ang mga kabataang nagsipagtapos ng kursong agrikultura,” wika ng Pangulo.

“Kailangan natin ng mga magsasaka. Kaya’t kasama po sa charter ng Agrarian Reform Program na lahat ng mga Kabataan na dumaan at naging estudyante na dumaan sa kurso ng agrikultura ay mabibigyan din ng lupa upang ‘yung kanilang natutunan ay meron silang paglalagyan, meron silang magagamit na lupa para magamit naman nila ang kanilang bagong natutunan tungkol sa agrikultura,” dagdag niya.

Ito ay sa pagkilala ni Marcos na maraming kabataang Pilipino ang hindi naiintindihan ang kahalagahan ng agrikultura sa Philippine development, binanggit na marami ang naghahanap ng oportunidad sa mga sektor sa labas ng pagsasaka.

Ginarantiya ni Marcos sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang patuloy na suporta ng pamahalaan upang isulong nila ang innovative farming strategies para sa pagpapahusay ng agriculture sector.

“Tuloy ang suporta. Nawa sa tulong na ito ay mahikayat kayo na maisagawa ang mga makabago at maunlad na pamamaraan ng pagsasaka,” aniya. RNT/SA