Home METRO Kaso vs Taguig mayor, iba pa ibinasura

Kaso vs Taguig mayor, iba pa ibinasura

MANILA, Philippines- Ibinasura ng Taguig City prosecutors dahil sa lack of probable cause ang illegal detention at grave coercion complaints na inihain laban kay Mayor Lani Cayetano at tatlong ranking officials ng lungsod kaugnay ng mga insidenteng inihain ng Makati City government employees.

Sa resolusyong may petsang Aug. 2, sinabi ni Assistant City Prosecutor Duke Thaddeus Maog na ibinasura ang mga reklamo laban kina Cayetano, City Administrator Jose Luis Montales, Business Permits and Licensing Office Head Maria Theresa Veloso, Traffic Management Office Head Danny Cañaveral, at ilang hindi tinukoy na indibidwal matapos “the complainants failed to back up their allegations with sufficient evidence to prove the existence of the offenses.”

Inihain nina Salvador Palisa, Ryalyn Almazar, Joven Mediavillo, at Salvador G. Mercado, kapwa empleyado ng Makati City government, ang reklamo kaugnay ng mga insidente na naganap sa pagitan ng March 1 at 3 ngayong taon sangkot ang pagpapasara ng Makati Park and Garden at ng Makati Aqua Sports Arena (MASA) dahil sa kakilangan ng government permits.

Giit ng complainants, ilegal umano silang idinetene ng mga opisyal at tauhan ng Taguig City sa loob ng park at pinigilan silang lumabas dito o pumasok sa lugar.

Batay pa sa pagbusisi ng prosecutors, hindi napatunayan sa alegasyon ng complainants ang pagkakaroon ng krimen at kulang umano ang mga isinumite nitong ebidensya.

Base sa hatol ng Supreme Court noong Dec. 1, 2021 ang Fort Bonifacio Military Reservation, kasama ang 10 EMBO (enlisted men’s barrio) barangays, ay bahagi ng teritoryo ng Taguig alinsunod sa legal rights at historic title.

Naging final at executory ang desisyon noong Sept. 28, 2022.

Matatagpuan ang Makati Park and Garden at Makati Aqua Sports Arena sa Barangay West Rembo, isa sa mga barangay na inilipat sa Taguig. RNT/SA