MANILA, Philippines- Nakalusot na sa Department of Budget and Management (DBM) ang hirit na P396.374 milyong pondo para sa pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng halos 402 units ng motor vehicles.
Inaprubahan DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pag-isyu ng Authority to Purchase Motor Vehicles (APMV) noong Sept. 10, base sa ahensya nitong Huwebes.
Ang aprubadong budget para sa pagbili ng motor vehicles ay kukuhanin mula sa Specific Budget ng PNP sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act, base sa DBM.
Gagamitin ang pondo sa pagbili ng 40 patrol jeep 4×2, 115 personnel carrier 4×4, 40 light transport vehicles, 10 PNP vans, 183 light motorcycles at 14 EOD vehicles, dagdag ng DBM.
“We support President Ferdinand R. Marcos Jr.’s commitment to boost the capability of our PNP. We strongly believe that a well-equipped police force is better positioned in promoting public safety,” ani Pangandaman.
“Sa huli po, itong pag-acquire ng mga motor vehicles ng ating kapulisan, ang mga kababayan din natin ang makikinabang,” giit pa ng opisyal. RNT/SA