MANILA, Philippines- Arestado sa Taytay, Rizal ang isang lalaki na kalaboso sa mga kasong pagpatay, pagnanakaw, at paggahasa sa Albay, matapos ang mahigit 10 taong pagtatago.
Batay sa ulat nitong Huwebes, dinakip ng Taytay Police sa Yakal Street, San Miguel Compound, Barangay Muzon ang 43-anyos na suspek.
Nahaharap siya sa patong-patong na mga kaso simula pa noong 2013.
Noong 2013, kinasuhan siya ng murder, attempted murder, robbery at carnapping, base sa mga awtoridad.
Abril 2014 naman nang ihabla siya ng qualified robbery. Noong Disyembre 2023, kinasuhan naman siya ng forcible abduction with three counts of rape.
Umabot ng mahigit isang dekada ang pagtatago ng suspek sa iba’t ibang lugar, kung saan gumamit ito ng mga pekeng ID at pangalan.
Nagtungo sa Taytay, Rizal ang suspek bandang 2020.
Sa pagtutulungan ng Albay Police at Taytay Municipal Police ay natunton ang suspek at nadakip ito.
Hindi nagbigay ng komento ang suspek na nailipat na sa kulungan sa Albay. RNT/SA