Home NATIONWIDE Same-sex marriage legal na sa Thailand

Same-sex marriage legal na sa Thailand

203
0

BANGKOK- Nilagdaan na ng hari ng Thailand ang same-sex marriage upang maging ganap na batas, base sa official Royal Gazette nitong Martes, dahilan upang kilalanin ang Thailand bilang unang bansa sa Southeast Asia at pinakamalaking bansa sa Asya na kumikilala sa marriage equality.

Binigyan ni King Maha Vajiralongkorn ng royal assent ang bagong batas, ipinasa ng parlyamentaryo noong Hunyo, na iiral sa loob ng 120 araw.

Ang Thailand ang ikatlong lugar sa Asya kung saan maaaring magpakasal ang same-sex couples, kasunod ng Taiwan at Nepal.

Mahigit 30 bansa sa buong mundo ang kumikilalang legal sa kasal para sa lahat mula nang unang ipagdiwang ng the Netherlands ang same-sex unions noong 2001. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here