Home NATIONWIDE AIIB ‘wapakels’ sa civil society orgs, binoykot!

AIIB ‘wapakels’ sa civil society orgs, binoykot!

108
0

MANILA, Philippines – Bunsod ng makailang ulit na umano’y pagsasantabi sa civil society organizations, binoykot ng isang grupo ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) Annual Meeting sa Uzbekistan ngayong Setyembre 25 hanggang 26.

Iginiit ng NGO Forum on ADB, isang Asian-led network na may 250 organizations sa buong mundo, na ang pagsasagawa ng boykot laban sa annual meeting ng AIIB ay dahil na rin sa patuloy na pagwawalang bahala ng bangko sa civil society organizations.

Sa nakalipas na siyam (9) na taon, aktibong binabantayan at nakikipag-ugnayan ang Forum sa AIIB. Binanggit nito ang ilang kritikal na alalahanin na humantong sa boykot, kabilang ang:

-Ang pag-apruba ng AIIB sa mga makabuluhang patakaran at estratehiya—gaya ng Gender Action Plan, Corporate Strategy, Climate Action Plan, at Accountability Framework—nang hindi nakikibahagi sa civil society. Ang pagbubukod na ito ay nagpapahina sa transparency at inclusive dialogue.

-Bukod dito, ang AIIB ay hindi pa nagho-host ng mga panel discussion na pinamumunuan ng civil society sa mga annual meeting nito, na nililimitahan ang hanay ng mga pananaw at debate sa mahahalagang isyu.

-Ang nagpapalubha pa sa problemang ito ay ang hindi sapat na suporta sa visa ng AIIB para sa mga lokal na grupo ng CSOs at mga apektadong komunidad, na nagiging mabigat na hadlang sa paglahok at pinipigilan ang direktang pakikipag-ugnayan sa mga pangunahing gumagawa ng desisyon.

“If the AIIB is serious about the impacts of their operations, they must meaningfully engage with civil society and listen to our truths. We will not rubber-stamp a social license for the AIIB. Their projects and policies are self-serving and adversely affect impacted communities and the environment. If they want to be sincere, they must be responsible, and the first step is to listen to those on the ground dealing with the realities of loan operations,” ani Rayyan Hassan na siyang executive director ng NGO Forum.

Nauna nang nagpadala ng liham ang Forum kay AIIB President Jin Liqun kung saan ipinahayag nila ang mga alahahanin tulad ng kakulangan ng bangko ng konsultasyon kasama ang civil society organizations.

Binibigyang-diin ng desisyong ito ang isang nakakabahalang pattern ng pagbubukod na sumisira sa transparency at mga prinsipyo ng inclusive dialogue, ayon pa sa Forum.

“If the AIIB is not serious about involving communities and civil society, the so-called stakeholder participation in the AIIB AGM will be just a tick-box approach. We want the AIIB to take civil society engagement seriously and respect our voices in the bank’s processes,” giit naman ni Hemantha Withanage, bagong International Convenor ng Forum network.

Umaasa naman ang Forum na sa pamamagitan ng boykot na ito ay mapag-iisipan ng AIIB ang mas mayabong na konsultasyon sa CSOs sa mga susunod nitong annual meeting.

“The AIIB’s continued exclusion of civil society and affected communities from its decision-making processes is deeply concerning. This boycott calls for the AIIB to seriously reconsider its approach and incorporate diverse perspectives into its policies,” ani Hasan Mehedi ng (CLEAN) Coastal Livelihood and Environmental Action Network mula sa Bangladesh.

Sinabi naman ni Dr. Rene Ofreneo mula sa Freedom from Debt Coalition na ang kabiguan ng AIIB “to provide space for civil society dialogue in its Annual Meeting reflects the Bank’s empty rhetoric regarding its mission to support meaningful and sustainable development across Asia. Why avoid a meaningful conversation with civil society organizations monitoring the impact of AIIB financing on grassroots communities? Is AIIB hiding its failure to observe appropriate social, economic, and environmental safeguards for various infrastructure projects? Clearly, AIIB has much to explain. By closing the door on dialogue with CSOs, AIIB reveals itself as just another bilateral financial institution serving a select few.”

Sa huli, naninindigan ang NGO Forum on ADB sa pangako nitong isulong ang mga karapatan ng mga apektadong komunidad at hindi matitinag sa kahilingan nito para sa tunay na pakikilahok ng civil society.

Anila na ang boykot na ito ay isang malinaw na panawagan para sa AIIB na harapin ang mga pagkukulang nito at makipag-ugnayan nang totoo sa mga naapektuhan ng mga desisyon nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here