Home NATIONWIDE Hindi pagdalo ni VP Sara sa OVP budget briefing dedesisyunan ng Kamara

Hindi pagdalo ni VP Sara sa OVP budget briefing dedesisyunan ng Kamara

Magpapalabas ng resolusyon ang House of Representatives hinggil sa naging hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa budget deliberation ng Office of the Vice President, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

”We are on our last day for plenary sessions at saka inaabangan natin ang OVP” pahayag ni Romualdez na nagsabing ikagagalak ng Kamara kung dadalo si VP Sara sa huling pagkakataon ng deliberasyon ng budget ngayong araw, Setyembre 25.

Nang hingan ng komento ukol sa panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw na sa pwesto si VP Sara dahil sa hindi pagdalo sa budget hearing, sinabi ni Romualdez na opinyon ito ng ilang mga mambabatas at hindi ng buong Kamara.

Sa isang liham na ipinadala ni VP Sara kay House committee on good government and public accountability chairperson at Manila Rep. Joel Chua, iginiit nito na dapat nang tapusin ng Kamara ang budget deliberation para sa OVP budget.

Ang budget ng OVP ay una nang inirekomenda ng House Committee on Appropriations na tapyasan, mula sa P2 Billion panukalang budget ay ginawa itong P733-million para sa 2025, o nasa P1.29-billion na bawas. Gail Mendoza