Home NATIONWIDE Agarang suspensyon sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng DOLE sa Davao...

Agarang suspensyon sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng DOLE sa Davao region, Soccsksargen ipinag-utos

1
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Labor Secretary Francis N. Tolentino ang agarang suspensyon ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng DOLE sa Davao Region at SOCCSKSARGEN kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Maasim, Sarangani, umaga ng June 8. 

Ito ay para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga empleyado at kliyente, sinuspinde muna ang lahat ng face-to-face transactions at serbisyo hanggang matapos ang pagsusuri sa kaligtasan at structural assessment ng mga gusali.

Pinaalalahanan din ni Secretary Tolentino ang mga pribadong employer at manggagawa na maaaring magpatupad ng suspensyon ng trabaho tuwing may kalamidad at iba pang disruptive events para maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado, alinsunod sa Labor Advisory No. 15, Series of 2025.

Para sa mga empleyadong nasa public utilities, health services, vital operations, o mga kabilang sa skeleton force, dapat pa rin silang makatanggap ng buong sahod at wage-related benefits ayon sa Labor Code. 

Mariing hinihikayat din ang mga employer na magbigay ng dagdag na insentibo gaya ng hazard pay, compensatory time off, transportation service, o food allowance.

Pinapayuhan naman ang mga manggagawa na agad ipaalam sa kanilang employer ang anumang banta sa kaligtasan habang bumibiyahe papunta o pauwi mula sa trabaho dahil sa kalamidad. 

Nakasaad din sa labor advisory na ang mga manggagawang magre-report ng banta sa kaligtasan o hindi makapasok/mag-uulat sa trabaho sa panahon ng ganitong pangyayari ay hindi dapat bigyan ng administrative sanction.

Pinapayuhan din ang publiko na subaybayan ang official Facebook pages ng DOLE Davao Region at DOLE SOCCSKSARGEN para sa mga karagdagang anunsyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here