CALOOCAN CITY, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang mahigit P100,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang 49-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 188, Caloocan City.
Ayon sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director Police Brigadier General Benliner Capili, inaresto ng mga tauhan ng NPD District Drug Enforcement Unit ang suspek matapos umanong bentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-7:41 ng gabi.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 15.01 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,068 batay sa standard drug price, gayundin ang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na isasampa sa Caloocan City Prosecutor’s Office. Merly Duero