Home METRO Criminology student utas sa poste ng kuryente

Criminology student utas sa poste ng kuryente

134
0

PANGASINAN-Tigok ang isang 21-anyos na lalaki matapos na sumalpok sa poste ng kuryente ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Tomana West, Rosales ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa pulisya, ang biktima na isang criminology student ay residente ng naturang bayan.

Minamaneho ng biktima ang Yamaha Mio 125 motorcycle at papunta ng silangang direksyon sa provincial road sa naturang lugar nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan hanggang sa bumangga ang motorsiklo nito sa poste ng kuryente.

Dahil dito, nagtamo ng head injury ang biktima na agad na isinugod sa ospital.

Gayunman, ang biktima ay nalagutan ng hininga habang sinisikap na isalba ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here