MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 nitong alas-5 ng umaga sa Batanes at sa northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Island at Calayan Island) sa dala ni Bagyong Julian na malakas na hangin, base sa PAGASA.
Mararamdaman ang typhoon-force winds na may bilis na 118 to 184 km/h sa loob ng 12 oras, na may nakaambang banta sa buhay at pagmamay-ari.
Pinairal naman ang TCWS No. 3 sa natitirang bahagi ng Babuyan Islands at sa northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).
Inaasahan sa mga lugar sa ilalim ng TCWS No. 3 ang storm-force winds na may bilis na 89 to 117 km/h sa loob ng 18 oras, na may nagbabadyang “moderate to significant threat to life and property.”
Epektibo naman ang TCWS No. 2 sa natitirang bahagi ng ng mainland Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte.
Makararanas ang mga sumusunod na lugar ng gale-force winds na may bilis na 62 to 88 km/h sa loob ng 24 oras at maaaaring magdulot ng “minor to moderate threat to life and property.”
Samantala, kasado ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Ilocos Sur;
La Union;
Pangasinan;
Abra;
Kalinga;
Ifugao;
Mountain Province;
Benguet;
Isabela;
Nueva Vizcaya;
Quirino;
Aurora;
northern at eastern portions ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad); at
Polillo Islands.






