Home NATIONWIDE Signal No. 4 up itinaas sa Batanes, bahagi ng Babuyan Islands sa...

Signal No. 4 up itinaas sa Batanes, bahagi ng Babuyan Islands sa hagupit ni #JulianPh

121
0

MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 nitong alas-5 ng umaga sa Batanes at sa northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Island at Calayan Island) sa dala ni Bagyong Julian na malakas na hangin, base sa PAGASA.

Mararamdaman ang typhoon-force winds na may bilis na 118 to 184 km/h sa loob ng 12 oras, na may nakaambang banta sa buhay at pagmamay-ari.

Pinairal naman ang TCWS No. 3 sa natitirang bahagi ng Babuyan Islands at sa northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).

Inaasahan sa mga lugar sa ilalim ng TCWS No. 3 ang storm-force winds na may bilis na 89 to 117 km/h sa loob ng 18 oras, na may nagbabadyang “moderate to significant threat to life and property.”

Epektibo naman ang TCWS No. 2 sa natitirang bahagi ng ng mainland Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte.

Makararanas ang mga sumusunod na lugar ng gale-force winds na may bilis na 62 to 88 km/h sa loob ng 24 oras at maaaaring magdulot ng “minor to moderate threat to life and property.”

Samantala, kasado ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Ilocos Sur;

  • La Union;

  • Pangasinan;

  • Abra;

  • Kalinga;

  • Ifugao;

  • Mountain Province;

  • Benguet;

  • Isabela;

  • Nueva Vizcaya;

  • Quirino;

  • Aurora;

  • northern at eastern portions ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad); at 

  • Polillo Islands.

Hanggang alas-4 ng madaling araw nitong Lunes, ang sentro ni Julian (international name: Krathon) ay tinatayang nasa coastal waters ng Balintang Island sa Calayan, Cagayan.

Ang bagyo ay may maximum sustained winds na 155 km/h near the center, gustiness hanggang 190 km/h, at central pressure na 950 hPa.

Kumikilos si Bagyong Julian sa westward direction sa bilis na 10 km/h, na may strong to typhoon-force winds.

“JULIAN is forecast to move generally west northwestward over the Balintang Channel today and pass very close to Balintang Island and Batanes. A landfall scenario over these areas remains likely,” ayon sa PAGASA.

“Julian will continue intensifying and may reach super typhoon category tomorrow at the start of its recurvature,” dagdag ng ahensya.

Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng umaga o hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here