Home NATIONWIDE Pagdalo sa meeting bago sa pagpatay ng Chinese inmates, itinanggi ni Bato

Pagdalo sa meeting bago sa pagpatay ng Chinese inmates, itinanggi ni Bato

136
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang paratang na dumalo siya sa courtesy call ng ilang opisyal ng pulisya ng dating administrasyon ni Pangulong Duterte bago patayin ang tatlong Chinese drug convicts noong Agosto ng 2016.

Pinalagan ni Dela Rosa ang alegasyon ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, chairman ng House Committee on Public Accounts—isang lupon na bahagi ng QuadCom na nag-iimbestiga sa patayan na naganap sa panahon ng war on drugs ng Duterte administration.

Si Dela Rosa ang hepe ng pulisya na nanguna sa war on drugs ng Duterte Adminsitration na hinihinalang pumapatay ng mahigit 20,000 hanggamng 30000 indibiduwal kabilang ang ilang inosenteng sibilyan tulad ni Kian Delos Santos.

“It is very clear from the recorded video of that hearing that Cong. Paduano is very excited and very insistent of my alleged presence in that courtesy call despite repeated denials from all the resource persons. Again, I vehemently deny that I was a party to that courtesy call or meeting,” ayon kay Dela Rosa sa statement.

“The effort to wholesale former president Duterte, Sen. Bong Go and myself in one single stroke is very evident in his line of questioning,” dagdag niya.

Nitong Agosto, dalawang katao na pawang deprived of liberty (PDLs) na nakilalang sina Fernando Magdadaro aat Leopoldo Tan Jr. ang umamin na sila ang pumatay sa tatlong Chinese convicted drug lords sa utos umano mula kay Duterte.

Sinabi ng dalawang PDLs na nakakulong sila sa Davao Prison and Penal Farm in 2016, nang pagsabihan sila ng ilang police officials na patayin ang tatlong Chinese drug convicts na kasama nilang nakakulong kapalit ng isang milyong piso at kanilang kalayaan.

Aniya, pinatay nila ang tatlong Chinese nationals sa pamamagitan ng pananasaksak nang sunod-sunod noong gabi ng Agosto 13, 2016.

Nitong Biyernes, pinatawan ng QuadCom si National Police Commission (Napolcom) Commissioner Edilberto Leonardo sa kasong contempt saka ikinulong sa pagtangging sangkot sa pulong na nangyari bago maganap ang pagpatay sa tatlong Chinese national.

Naganap umano ang pulong sa loob ng tanggapan ng Davao City Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) office na dinaluhan ni Davao Prison and Penal Farm chief Gerardo Padilla at retired police colonel Royina Garma.

Naunang kinumpirma ni Padilla na tinawagan siya ni Duterte para batiin sa pagpatay ng tatlong Chinese drug convicts.

Iginiit ni Dela Rosa na nagsasabwatan ang ilang miyembro ng Kamara upang isangkot siya at si Duterte sa extrajudicial killings na sumasailalim sa international scrutiny.

Aniya, pawang fishing expedition ang ginagawa ng grupo ni House Speaker Martin Romualdz upang sirain ang alyado ni Duterte bago sumapit ang 2025 at 2028 elections. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here