SINABI ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inaasahan na nito ang lalong paggaan ng inflation sa buwan ng Setyembre.
Sa naging pagtataya ng BSP, nakita nito ang inflation na darating sa pagitan ng 2% hanggang 2.8% para ngayong buwan.
Ito ay mas mababa kaysa sa 3.3% inflation noong Agosto at 4.4% inflation noong Hulyo.
“Negative base effects along with lower prices of food commodities including rice, meat, and vegetables as well as lower domestic oil prices, and the appreciation of the peso are the primary sources of downward price pressures for the month,” ayon sa Bangko Sentral.
Ito ayon pa rin sa BSP ay inaasahan na mag-offset sa mas mataas na presyo ng isda at prutas at electricity rates noong Setyembre.
“Going forward, the Monetary Board will continue to take a measured approach in ensuring price stability conducive to balanced and sustainable growth of the economy and employment,” ang sinabi ng BSP.
Ang Inflation ay may averaged na 3.6% sa unang 8 buwan ng taon. Umaasa ang gobyerno na mapananatili ang inflation sa pagitan ng 2 hanggang 4% para ngayong taon.
Samantala, nakatakda namang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang opisyal na inflation figures para sa Setyembre sa darating na Biyernes, Oktubre 4.
Tinapyasan naman ng BSP ang interest rates ng 25 basis points sa 6.25% noong Agosto, matapos na mapanatili ang benchmark rate ng mahigpit para sa halos isang taon.
Sinabi ng BSP na inaasahan nito na magiging magaan ang inflation ngayong taon dahil sa mas pinababang ‘rice import tariffs.’
Ang Rice inflation ang pangunahing ‘driving factor’ sa pagtaas ng inflation rate mula noobg huling bahagi ng nakaraang taon. Kris Jose