Sa ikalawang pagkakataon, muling tatakbo sa pagka-senador si Senate Majority Leader Francis Tolentino matapos pormal nang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw, Oktubre 1 sa Manila Hotel tent.
Si Tolentino ay tatakbo sa ilalim ng administrasyon — Alyansa para sa Bagong Pilipinas coalition.
Siya rin ang kauna-unahan sa pitong re-electionist senators mula sa 19th Congressman na naghain ng kanyang kandidatura.
“I am for a more dynamic economy and more stable political condition, which I believe help Filipino people achieve their aspirations,” sabi ni Tolentino.
Noong 2019, Siya ay tumakbo sa ilalim ng Partido ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng PDP-Laban.
Nagbitiw sa PDP-Labna ang Senador noong Àgosto kasunod ng payo ng party president na si Senator Robin Padilla. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)