Home NATIONWIDE Nagpakilalang kaanak ni PBBM tatakbo sa 2025 polls; nangako ng libreng bigas

Nagpakilalang kaanak ni PBBM tatakbo sa 2025 polls; nangako ng libreng bigas

153
0

MANILA, Philippines – Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang isang nagpakilalang mayaman para tumakbo bilang senador sa 2025 national at local elections, sa pagsasabing magbibigay ito ng libreng bigas sa mga Filipino.

Bukod dito, nagpakilala rin siyang kaanak ng pamilya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa paghahain ng COC ni Eric Negapatan, sinabi niyang ang kanyang yaman ay ibiniay sa kanya ni Josefa Edralin, ang lola ni Marcos, Jr.

“Iniwan sa akin ni Doña Josefa Edralin Marcos. I’m the heir of the Malayan bank, Malayan insurance, Malayan independent tax corporation. Ako po ay isa sa eredero, iniwan sa akin ang mga pagpapalang ito. Ako ang boy nila sa Batac [Ilocos Norte]. Sanggol pa lang ako inampon na ako si Doña Josefa. Lahat ito iniwan sa akin, pero nung naging Presidente si Bongbong Marcos, binigay ko sa kanya,” ayon kay Negapatan.

“Kaso noong ibinigay ko sa kanya [ang yaman], nakalimutan niya iyong mga code,. Pero ibinigay ko sa kanya ito para gamitin sa more than 100 million families. Hindi Marcos ang iniligay sa bangko [kasi] kung ito ay Marcos, nakuha na ito ng PCGG,” dagdag pa nito.

Ang PCGG o ang Presidential Commission on Good Government, ay ahensya ng pamahalaan na inaatasang irekober ang ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kanyang pamilya at mga associates.

Aniya, ang pondo para sa libreng bigas ay kukunin mula sa kanyang mga minana.

“[Kapag ako ay nanalo]. Wala na pong bibili ng bigas sapagkat kausap ko po lahat ng mga hari ng mga bansa, na ang lahat ng mga bagay, na itong kinuha ko po ang sovereignty ng Pilipinas sa lahat ng mga bansa,” giit ni Negapatan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here