Home NATIONWIDE Sens Bong Go, Bato, aktor na si Philip Salvador magkakasabay naghain ng...

Sens Bong Go, Bato, aktor na si Philip Salvador magkakasabay naghain ng COC

206
0
Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak na rin sa politika ang aktor na si Philip Salvador sa ilalim ng Partido PDP Laban.

Si Philip Salvador ay tatakbo bilang senador matapos pormal na maghain ng kanilang Certificate of Candidacy ngayong araw sa Manila Hotel Tent City.

Isa sa mga plataporma ng aktor ang leave and order at palakasin ang ahensya sa pagpapatupad ng batas upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Gayundin ang pagdagdag ng badget sa modernisasyon ng kasundaluhan at kapulisan.

Susuportahan din niya ang programa ng rehabilitasyon ng droga upang mabawasan ang krimen kung saan bibigyan ng pagkataon ang mga nalululong sa ilegal na droga na magkaroon ng pagkakataong magbago at makabalik sa kanilang pamilya.

Naghain na rin ng kanyang intensyon na muling maglingkod sa bayan bilang senador si re-electionist Ronald “Bato” de la Rosa na nangakong ipagpapatuloy ang kanyang adhikain at pagtutuunan pa rin ang national defense security, public order, at labanan ang illegal drugs at kriminalidad kung siya ay muling palarin.

Prayoridad din ni Sen. Bato sakaling maihalal muli ang death penalty at ang pagbabalik ng ROTC na aniya ay kailangan ng malakas na reserve na maaring pakilusin anumang oras.

Hindi naman nababahala si Sen. Bato sa sinasabing grand demolition job laban sa kanya at mga kakampi ng mga Duterte.

Samantala, nagpasalamat  si Sen. Bong Go sa ibinigay ng taumbayan na suporta sa limang taon niyang pagseserbisyo sa bayan.

Adbokasiya pa rin ng senador na ipagpatuloy ang kapakanan ng mamamayan tulad ng kalusugan, edukasyon, food security, kabuhayan, pabahay bukod sa iba pa.

Isusulong din ng senador ang pro-poor program o mga programa nang may tapang at malasakit sa tao.

Kasama rin si Senator Robin Padilla sa paghahain ng COC ng tatlong senador bilang pagpapakita ng suporta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here