Home METRO LTO exec sinibak sa anti-fixer drive

LTO exec sinibak sa anti-fixer drive

163
0

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor D. Mendoza II ang pagsibak sa district office head ng ahensya sa Bustos, Bulacan kasunod ng matagumpay na anti-fixing operation noong nakaraang linggo.

Tinanggal sa pwesto si Carlito Calingo, naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation kasama ang umano’y fixer sa entrapment operation noong Sept. 24 sa LTO Bustos District Office.

“Mr. Calingo was relieved from his post effective October 1,” pahayag ni Mendoza, idinagdag na papalitan siya ng kanyang deputy na si Rachel Farin. 

Nagsagawa ang NBI agents ng entrapment matapos makatanggap ng mga ulat ng operasyon ng fixers sa Bustos.

Pagkadakip sa fixer matapos tumanggap ng pera, inimbitahan din si Calingo upang kwestiyunin.

Kalaunan ay kinasuhan si Calingo ng NBI.

Sinabi ni Mendoza na binabalaan na niya ang LTO personnel na huwag makipagsbwatan o pahintulutan ang operasyon ng fixers sa kani-kanilang lugar mula nang pamunuan niya ang LTO noong Hulyo 2023.

Bukod kay Calingo, sinabi ni Mendoza na dalawa pang district office chiefs ang iniimbestigahan kaugnay ng agresibong operasyon laban sa fixers.

“Once we establish sufficient pieces of evidence against him, we will not hesitate to file the necessary charges against them,” giit ni Mendoza. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here