Home NATIONWIDE Senatorial aspirants pumalo sa 39 sa ikatlong araw ng COC filing; party-list...

Senatorial aspirants pumalo sa 39 sa ikatlong araw ng COC filing; party-list groups sumampa sa 34

224
0

MANILA, Philippines- Aabot sa 39 aspirants sa pagka-senador ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) simula Oktubre 1 hanggang ngayong Oktubre 3, 2024.

Mula sa nasabing bilang, pawang mga independent ang 26 habang ang iba ay may kanya-kanyang political party.

Lima sa mga nagpasa ng COC ay pawang incubent senators na nais muling maupo sa pwesto.

Nakapagsumite rin ng certificate of nomination and certificate of acceptance of nomination (CON-CAN) ang nasa 34 na party-list mula nang simulan ang pagpapasa nito para sa 2025 midterm elections.

Hindi tulad nitong nakalipas na dalawang araw, mas mababa ang bilang ng mga naghain ng COC at CONCAN ngayong ikatlong araw kung saan nasa 20 lamang ang bilang ng mga nagpasa.

Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na mas marami ang maghahain ng COC simula bukas hanggang sa mga susunod na araw.

Samantala, sa tatlong araw na paghahain ng kandidatura, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na walang untoward incidents sa lahat ng sites ng Comelec kung saan isinasagawa ang filing. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here