Home METRO 3 NegOr LGUs walang naitalang ASF cases sa mga nakalipas na linggo

3 NegOr LGUs walang naitalang ASF cases sa mga nakalipas na linggo

117
0

DUMAGUETE CITY- Nasa tatlong bayan sa Negros Oriental ang patungo na sa “pink zone” category matapos makapagtala ng “zero” African Swine Fever (ASF) cases sa mga nakalipas na linggo.

Sinabi ni Jaymar Vilos, spokesperson-designate ng Provincial Veterinary Office, nitong Miyerkules na kamakailan ay idineklara ang Bais City na “pink zone” at naghahanda nang magpadala o magbenta ng mg baboy sa labas ng coverage area nito.

Sinisikap naman ng dalawa pang bayan, ang Ayungon at Vallehermoso, na makumpleto ang mga papeles para sa deklarasyon nito bilang isang pink zone, ayon sa opisyal.

Pormal na inilathala ng Bureau of Agriculture Industry ang pag-upgrade sa Bais City bilang pink zone, dagdag niya.

Paliwanag ni Vilos, nangangahulugan ang pink zone category na itinuturing ang lugar na “safe from ASF due to standard safety requirements complied by the LGU (local government unit).”

Bukod sa pinapayagang magpadala ng live hogs sa labas ng coverage areas nito, ang pink zone ay kwalipikado para sa government assistance at magpapatuloy ang insurance ng live hogs.

Hinikayat naman ni Vilos ang LGUs na tumalima sa documentary requirements upang maideklara itong pink zone at kalaunan ay bilang green zone. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here