MANILA, Philippines- Sa pagtatapos ng National Teachers’ Month (NTM) celebration ngayong taon, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng mga guro sa nation-building.
“Always remember the significant role our teachers play in the progress of our nation. We count on you to continue prioritizing the welfare of our students,” ani Angara.
Nakatakdang tapusin ng DepEd ang Teachers’ Month celebration ngayong taon sa isang event sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ngayong Huwebes.
Inaasahang dadalo ang nasa 10,000 public school teachers, education stakeholders, DepEd officials, at local government representatives sa day-long program tampok ang raffle draws at mga performance.
Gayundin, inaasahang dadalo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa event bilang guests of honor, kasama sina Angara, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at NTM Coordinating Council Chairperson at Metrobank Foundation President Aniceto Sobrepena.
Ang tema ng National Teachers’ Month ngayong taon ay “Together4Teachers” upang bigyang-pugay ang “tireless dedication of Filipino educators.” RNT/SA