Home NATIONWIDE Akusasyon ng ex-Marines binweltahan ni Ridon; nagpakita ng maleta puno ng mangga,...

Akusasyon ng ex-Marines binweltahan ni Ridon; nagpakita ng maleta puno ng mangga, wig

2
0

MANILA, Philippines – Binweltahan ni House Impeachment Prosecutor Representative Terry Ridon nitong Sabado, Hunyo 6, ang mga akusasyon ng nagpakilalang “18 Marines” na nagsabing nakatanggap umano si Ridon ng pera sa mga maleta.

“Para tapusin na ‘yong kasinungalingan sa maleta, meron po tayong dalang maleta ngayong araw po na ito. Hindi po lahat ng maleta, may pera. ‘Yong iba po may mangga at peluka,” ani Ridon.

Si Ridon, mula sa Bicol Saro Partylist, ay isa sa mga personalidad na pinangalanan ng mga nagpakilalang dati umanong miyembro ng Philippine Marines na naghatid ng mga maletang may lamang pera.

Itinanggi ni Ridon ang naturang alegasyon at sinabing ang House Prosecution Team ay hindi matitinag sa mga ganitong paninira.

“Kahit kailan, kahit saang panahon, kahit saan mang lugar, wala po akong natanggap na maleta,” sinabi ng mambabatas.

“The House and the House Prosecution Panel will not be deterred. Hindi kami magpapapgil sa mga kasinungalingan at mga fabricated testimonies ng kung sinoman,” dagdag pa niya.

Iginiit din ni Ridon na handa ang House Prosecution Panel na magpatuloy sa paglilitis sa Hulyo sa ilalim ng kahit anong liderato o kahit sinong Presiding Officer ng Senate Impeachment Court.

“Tuloy ang impeachment trial. Ilalatag ng Kamara, ilalatag ng House Prosecution Panel ‘yong lahat ng mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte… ‘Yung AMLC reports, ‘yong NBI reports, ‘yong video documentation ng pagbabanta laban sa Pangulo. Ang usapin po ay pagpapanagot sa Pangalawang Pangulo, wala nang iba,” ani Ridon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here