Home NATIONWIDE Pope Leo lilipad patungong Spain; isyu ng immigration policies tatalakayin

Pope Leo lilipad patungong Spain; isyu ng immigration policies tatalakayin

2
0

VATICAN – Lilipad si Pope Leo sa Spain mula Hunyo 6 hanggang 12 para kanyang unang pagbisita sa EU country sa labas ng Italy.

Bubuksan niya ang bagong tore ng Sagrada Familia sa Barcelona at makikipagkita sa mga migrante sa Canary Islands na sumugal sa Karagatang Atlantiko.

Mahigit 20 talumpati ang ibibigay ng Santo Papa, kabilang ang unang pagtalumpati ng isang Papa sa parliyamento ng Spain.

Pupuna siya sa mga digmaan at hihikayat ng diyalogo laban sa polarization.

Makikipagkita rin siya kay King Felipe at Queen Letizia, sa mga kabataan sa Santiago Bernabéu Stadium, at sa mga walang tirahan.

Binibigyang-diin ni Leo ang kapakanan ng mga migrante, lalo na’t kritiko siya sa anti-immigration policies ni Trump. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here