Home NATIONWIDE Comelec sa mga kandidatong may limitadong pondo: Mangampanya sa socmed

Comelec sa mga kandidatong may limitadong pondo: Mangampanya sa socmed

140
0

MANILA, Philippines- Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia nitong Huwebes na maaring i-maximize ng “financially-constrained aspirants” para sa 2025 midterm elections ang mga bagong teknolohiya o social media platforms para mangampanya.

Ito ay makaraang ihayag ng Comelec na walang sinumang mag-aagawan para sa isang elective position sa darating na botohan ang madidiskwalipika dahil sa financial status.

Sinabi ni Garcia na maaari nang mangampanya sa pamamagitan ng social media dahil sa kasalukuyang makabagong teknolohiya dahil hindi na kailangan pa ng maraming pera para mangampanya.

Nauna nang pinasiyahan ng Korte Suprema na hindi sapat na batayan ang pagiging hindi popular at hindi pagiging miyembro sa isang partidong pampulitika para ideklara ang isang indibidwal bilang isang nuisance candidate.

Nangako ang Comelec na resolbahin ang mga kaso na kinasasangkutan ng mga nuisance candidate para sa 2025 midterm elections sa pagtatapos ng Nobyembre ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here