Home NATIONWIDE Principal arestado sa pangmomolestiya ng apat na Grade 10 students

Principal arestado sa pangmomolestiya ng apat na Grade 10 students

160
0

MANILA, Philippines – Arestado sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad ang isang 59-anyos na school principal sa Cainta, Rizal matapos ireklamo ng pangmomolestiya umano ng apat na Grade 10 students.

Ang insidente ay nangyari umano sa opisina ng principal sa isang eskwelahan sa Quezon City.

Araw nang Sabado ay pinapunta ng principal ang ilang estudyante kahit na walang pasok, para magpatulong umano sa pagprint ng mga certificate.

Pinapunta sa kusina ang isa sa mga biktima kung saan na sumunod ang principal.

“Doon po niya tinatanong kung ilang taon na raw po ako kung nagamit ko na raw yung pagkalalaki ko. Tapos hinawak hawakan na po niya doon na po niya sinimulan panghahalay sa akin. Hanggang sa natigil lamang po ito nung kumatok yung isa sa aking kaibigan, binuksan yung pintuan po,” kwento ng biktima sa panayam ng GMA News.

Bukod dito, may tatlo iba pang estudyante ang minolestiya ng principal.

Ang apat na lalaking biktima ay pawang mga edad 17, at tatlo naman ang 15 years old.

“Pinatawag sila ng kanilang principal na may ipapagawa sa kanila. Yung isa nga inutusan magluto yung iba naman naglilinis. Yung isa doon ang unang nabiktima doon 17 years old nga ginawan ng isang kahalayan nasundan pa nung tatlo pa. Yung huling menor de edad na victim natin tumakbo at naitulak itong suspek at diretso nagsumbong sa kanyang mga magulang,” pahayag ni Police Lt. Col. Macario Loteyro, ang station commander ng Project 6 Police station.

Nasa kustodiya na ng Project 6 Police Station ang suspek na sinampahan ng reklamong lascivious conduct in relation to Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Inaalam pa ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) kung may iba pang estudyante na nabiktima ang suspek.

Nakarating na rin sa Department of Education (DepEd) ang insidente.

Pinaiimbestigahan na ito ni Education Secretary Sonny Angara.

“We have not yet received a report from our SDO in Quezon City. We will closely monitor and will give you updates once the concerned field office submits its incident report,” saad sa pahayag ni Dennis Legaspi, Media Relations Chief ng Office of Secretary Sonny Angara. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here