Home NATIONWIDE Ex-VP Leni Robredo naghain ng COC para sa Naga City mayor

Ex-VP Leni Robredo naghain ng COC para sa Naga City mayor

161
0

MANILA, Philippines- Naghain si dating Vice President Leni Robredo nitong Sabado ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa Naga City mayor sa Eleksyon 2025.

Sinamahan si Robredo ng kanyang mga anak na sina Aika at Jillian, sa paghahain ng kanyang COC sa local Commission on Elections office sa Naga City.

Nagpakita rin ng suporta ang kanyang election lawyer na si Romulo Macalintal, ilang indibidwal, at ang mga tatakbo sa ilalim ng kanyang ticket na nagtungo sa local Comelec office.

“Hindi ko naman ito sinabi na even before kasi around June or July this year, nagdecide na talaga ako to run for city mayor dito sa Naga. Nasubukan ko na mag-legislative, nasubukan ko na ‘yung executive, sigurado ako na– una, mas mahusay ako sa executive position. Pangalawa, talagang passion ko ‘yung community work na ito ‘yung buod ng pagiging mayor,” ani Robredo.

“Sa Senado, iba ‘yung skills set na kailangan and sa akin talaga, sigurado ako kasi naging congresswoman na din ako before. Sigurado ako na mas magiging mahusay ako, mas passionate ako about executive work sa local government,” dagdag niya.

Inihayag din ni Robredo na hindi siya tatakbong alkalde ng Naga City bilang paghahanda para sa 2028 national and local elections.

“Tingin ko magiging unfair para sa city kung gagamitin ko lang ‘yung pag mayor bilang jump-off point. Tingin ko hindi ako magiging effective mayor kung iniisip ko kaagad ‘yung 2028 kasi baka lahat PR na lang ang gawin ko,” giit niya.

“If ever na magkaroon ulit ng opportunity in the future, kailangan naka-base ‘yon sa performance ko as mayor. Hindi dahil pinagplanuhan kong kumandidato ulit sa nasyonal,” patuloy ni Robredo. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here