Home NATIONWIDE Kampo ni VP Sara, ipina-subpoena 4 testigo kaugnay sa Cale88

Kampo ni VP Sara, ipina-subpoena 4 testigo kaugnay sa Cale88

2
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court na magpalabas ng subpoena para sa apat na testigong inaasahang magbibigay-linaw sa mga usaping may kaugnayan sa Cale88 Foods Corporation at Anti-Money Laundering Act.

Kinumpirma ni Manila Rep. Joel Chua, miyembro ng House prosecution panel, ang kahilingan ng depensa bago ang pagpapatuloy ng impeachment trial sa Nobyembre 19 at 20.

Kabilang sa mga nais ipatawag si Atty. Rainer Dela Fuente ng AML Consulting PH upang magpaliwanag sa mga legal na konsepto sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act.

Nais ding patestiguhin ng depensa si Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo kaugnay ng pagpaparehistro ng Cale88 sa Board of Investments.

Kasama rin si Food and Drug Administration (FDA) Director Pilar Marilyn Pagayunan para sa pagpaparehistro ng produktong sweetened banana chips ng kumpanya.

Samantala, inaasahang magbibigay-linaw si Center for International Expositions and Missions (CITEM) General Manager Rowena Mendoza, o kinatawan ng ahensya, sa mga komunikasyon at imbitasyon sa Cale88 para sa mga food exposition.

Nauna nang naging sentro ng pagsusuri sa impeachment trial ang Cale88, isang kumpanyang iniuugnay sa asawa ng bise presidente na si Atty. Manases Carpio.

Sa mga nakaraang pagdinig, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga remittance na umaabot sa humigit-kumulang P319 milyon mula China at Hong Kong papunta sa kumpanya.

Nauna nang itinanggi ni Duterte ang mga alegasyon laban sa kanya.

Nakatakdang ipagpatuloy sa Nobyembre 19 ang pagdinig sa natitirang Article II ng impeachment case na may kaugnayan sa umano’y unexplained wealth ng bise presidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here