Home METRO Magkakapatid huli sa shabu

Magkakapatid huli sa shabu

136
0

COTABATO-KULUNGAN ang kinabagsakan ng magkakapatid na lalaki na nasa street level individual ng mga awtoridad matapos madakip sa isinagawang drug buy bust operation sa bayan ng Tupi.

Kinilala ang magkakapatid na sina Peterson Palma; John Ashley Palma, at Jomari Palma, pawang mga residente ng Barangay Poblacion, Tupi, South Cotabato.

Batay sa report ng Tupi Municipal Police Station, bandang 1:00 AM ng Sabado, Oktubre 5 nadakip ang mga suspek sa Sitio Taluban, Barangay Kablon, ng nasabing bayan.

Nakuha sa mga suspek ang 3 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy bust money, at .22 kalibre na baril na may 3 bala.

Nakakulong ngayon sa detention facility ng Tupi-MPS ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs at illegal possession of firearms. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here