
MANILA, Philippines – Manalo, matalo ay ipagpapatuloy pa rin ng dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ngayon ay tumatakbong senador sa darating na May 2025 National and Local elections ang modernisasyon sa pampublikong transportasyon sa bansa.

Si Singson ay tatakbong independent at baon-baon lamang ang lakas-loob para tumakbo sa Senado para sa mahihirap lalo na ang mga overseas Filipino workers.
Ayon kay Singson, lahat ng transport group ay nakipag-usap na rin aniya sa kanya at lahat ay walang exemption.
Sinabi ni Singson na bagamat tumutulong na ito sa taumbayan, tumakbo ito bilang senador upang mas madali ang pagtulong sa masa dahil na rin talamak ang red tape sa bansa.
Siya ay inendorso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nang tanungin ng media kung ano ang kanyang partido, nagbiro ito ng LL o Lakas-Loob.
ARIEL QUERUBIN
Sinabi naman ni aspirant senator Ariel Querubin na siya ay suportado ng Nationalist Party ngunit tatakbo bilang independent sa lahat ng political party.






