MANILA, Philippines – Magsusumite ang dalawang natitirang kumpanya sa Miru Systems joint venture para sa 2025 elections ng kanilang Net Financial Contracting Capacity (NFCC) sa susunod na linggo, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ang dalawang local companies ay ang Integrated Computer Systems at Centerpoint Solutions, Technologies, Inc.
Sila ay kailangang magsumite ng kanilang NFCCs matapos tanggapin ng Comelec ang pag-atras ng St. Timothy Construction Corporation (STCC) mula sa joint venture.
Ibinigay ng STCC ang kanilang Net Financial Contracting Capacity (NFCC) para sa P17.99 bilyong kontrata para sa bagong automated election system at automated counting machines para sa 2025 election.
Umalis ito sa joint venture matapos ipahayag ng Comelec ang pagkabahala sa impormasyon na ang ilan sa mga umano’y may-ari ng STCC ay nagpahayag ng layuning tumakbo para sa national at local position sa darating na halalan na posibleng conflict of interest. Jocelyn Tabangcura-Domenden