Home METRO Rookie cop dakip sa buy bust ops

Rookie cop dakip sa buy bust ops

117
0

BUTUAN CITY – ARESTADO ang isang bagitong pulis matapos mahuli sa aktong nagbebenta umano ng iligal na droga sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kabaro nito, Sabado ng gabi, Oktubre 5 sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Patrolman Michael Montalban Salgarino, nakatalaga sa 1st Provincial Mobile Force Company at residente ng Barangay Tiniwisan Butuan City.

Batay sa report ng Butuan City Police Station 4, gabi ng Sabado nadakip ang suspek sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa bentahan ng iligal na droga ng suspek sa nabanggit na lugar.

Agad na inilatag ang operasyon laban sa suspek at aktong nabentahan nito ang mga pulis na nagpanggap na bibili ng shabu.

Kinumpirma naman ni PCol. Rommel Villamor, Police officer-in-charge Butuan City, na isang AWOL si Salgarino.

Inihanda na ang mga kasong isasampa laban na suspek at posibleng matanggal ito sa serbisyo. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here