MANILA, Philippines – Nagbitiw na sa pwesto si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw, Oktubre 7, sa Manila Hotel Tent City.
Ayon kay Abalos, marami naman silang officer-in-charge o OIC kaya marami ang pansamantalang hahalili sa kanya.
Isa sa kanyang tatalakayin sa Senado ang kuryente dahil ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas o pinakamahal na singil sa Asia.
Kabilang din dito ang kalusugan, criminal code, agrikultura para sa kapakanan ng mga magsasaka, at pamumuno sa gobyerno.
Bitbit ni Abalos ang kanyang track record bilang abogado, dating alkalde at miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ipinagmalaki rin niya ang kanyang mga nagawa sa Department of Interior and Local Government kabilang na dito ang paglaban sa krimen, droga, kurapayon at paghahanap sa mga wanted persons.
Ipinagmalaki rin ni Abalos na napataas niya ang ekonomiya noong siya ay alkalde ng Mandaluyong City at binansagan na Tiger City sa buong bansa.
Marami ring mga parangal at pagkilala ang natanggap ng lungsod sa panahon ng kanyang panunungkulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden