Home HOME BANNER STORY SoKor President Yoon, dumating sa Malakanyang para sa state visit

SoKor President Yoon, dumating sa Malakanyang para sa state visit

146
0

MANILA, Philippines – DUMATING sa Palasyo ng Malakanyang si South Korean President Yoon Suk Yeol, Lunes ng umaga bilang bahagi ng kanyang state visit sa Pilipinas.

Dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan ay hindi nagawa ng First Couple na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos na i-welcome si Yoon. Walang naganap na outdoor arrival ceremony.

Kasama ng South Korean president si Unang Ginang Kim Keon Hee.

Inaasahan naman na magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider upang pag-usapan ang ‘mutual interest’ gaya ng pagtutulungan sa ‘pampulitika, seguridad, at tanggulan, maritime, economic, at development fields, people-to-people ties, at labor at consular matters.’

Samantala, nasabay naman ang nasabing state visit sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at South Korea. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here