MANILA, Philippines – Hinimok ng dating finance chief ang pamahalaan na bawasan ang unprogrammed appropriations mula sa 2025 national budget, upang ang budget department ay maging “proactive in monitoring the utilization of public funds.”
Ang unprogrammed appropriations ay standby funds na maaaring magamit ng mga ahensya ng pamahalaan para sa karagdagang agency obligations o para sa mga priority programs, kung ang revenue collection ay lumampas sa target nito, o kung magkaroon ng additional grants o foreign funds.
Sa pahayag, sinabi ni dating Finance Secretary Margarito “Gary” Teves na ang key priority social and infrastructure projects ay dapat na kabilang sa programmed appropriations.
Ito ay kasabay ng pagsusuri ng mga mambabatas sa pondo ng mga government-owned and -controlled corporations (GOCCs) para sa excess financial resources na magpopondo sa unprogrammed projects.
Si Teves ay dating DOF secretary sa panahon ng Arroyo administration.
Aniya, ang unprogrammed appropriations noong 2023 at 2024 ay nasa P807.2 billion at P731.4 billion, o 15 percent at 13 percent, ng government budget.
“Moving crucial social and infrastructure projects from programmed to unprogrammed is not only questionable but also undermines the government’s commitment to inclusive development and fiscal prudence,” dagdag niya.
Ang unprogrammed appropriations para sa implementasyon ng social at infrastructure-related projects katulad ng pag-upgrade sa health facilities, training ng health professionals, at pagbabayad ng mga benepisyo ay maaaring maantala “since there is no definite funding source.”
Dahil dito, sinabi ni Teves na dapat ay magpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) upang tukuyin ang “priority programs that should strictly remain programmed and budget items that will be placed under unprogrammed.”
Sinabi naman ng Department of Budget and Management (DBM) na wala namang naging iregularidad ang unprogrammed funds sa mga nakalipas na taon, sabay-sabing mayroon ding mga “triggers” bago ito mailabas.
Sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program, ipinanukala ng pamahalaan ang unprogrammed appropriations sa P158.6 billion o 2.5 percent ng P6.532 trillion proposed national budget.
Ang bilang na ito ay 78.31% na mas mababa kaysa sa unprogrammed appropriations ngayong taon. RNT/JGC