Home NATIONWIDE Mga aspirante sa pagka-senador at party-list nadaragdagan pa

Mga aspirante sa pagka-senador at party-list nadaragdagan pa

242
0
Naghain si dating Senador Bam Aquino ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo bilang senador. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Kasama sa mga naghain ng COC mula 11 ng umaga hanggang tanghali sina Senador Bong Revilla sa ilalim ng Lakas CMD, dating Sulu Representative Nur-Ana “Lady Ann” Sahidulla at dating Defense Secretary at dating National Security Adviser Norberto Gonzales na nais kumandidato sa ilalim ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas.

Naghain rin ng COC sa pagka-senador ang dating OFW na si Pedro Ordiales ng Workers Peasant Party at dating Senador Bam Aquino ng Katipunan nang Nagkakaisang Pilipino.

Nagsumite rin ng COC bilang senatorial aspirant ang magsasaka at mangingisdang si Roberto Ballon (Balyon) at James Reyes II na umano’y isang manunulat.

Nasa 15 na ang aspirante sa pagka-senador na nagsumite ng COC ngayong araw habang 18 Partylist Naman ang naghain ng Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN).

Kabilang rito ang Ako OFW Partylist na mula pa 2015 ay marami nang napagtagumpayan–ipinagmamalaki na hindi lang mga nagmamahal sa mga OFW ngunit totoong mga nangimbambansa para sa kanilang pamilya.

Ilan lamang sa 19 Partylist na naghain din ng CON-CAN ay ang AKBAYAN Partylist, Ako Bicol, People’s Champ, PHILRECA, HELP Pilipinas, Ako Ilocano Ako, Partido Maharlika.

Karamihan sa mga aspirants ay may iisang layunin sa kanilang pagtakbo sa larangannng pulitika para maglingkod sa taumbayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here