Home ENTERTAINMENT Zanjoe, magiging tatay na naman!

Zanjoe, magiging tatay na naman!

2
0

Manila, Philippines – Masusundan na ang panganay nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na si Sabino.

Inamin ni Zanjoe na buntis ngayon si Ria nang makausap namin siya sa private screening ng pelikula nilang Apol of My Ai, kung saan siya gumanap bilang tatay ng bidang si Zion Cruz.

Sabi ni Zanjoe, “Buntis si Ria hindi lang namin ina-announce.”

Hindi pa lang daw sure si Zanjoe kung ilang buwan na ang dinadala ng misis.

“Pag sure na ako, ia-announce ko.”

Sa tanong kung girl o boy ang kanilang ikalawang anak, ang sagot niya, “Naku saka na natin i-announce at kahit ano, babae o lalaki.”

Spoiler na ama ba siya o disciplinarian?

“Parehas, eh. May mga punto na magiging disciplinarian (kasi) ayaw mo namang masanay na ganu’n (spoiled).

“Pero may mga time na spoiler ako, kasi kawawa naman kapag hindi mo ibibigay,” esplika pa niya.

Samantala, si Zanjoe ang nanalong Panalong Pangalawang Aktor sa ginanap na Puregold CinePanalo Film Festival Awards Night kamakailan, para sa Apol of My Ai.

In fairness, nang mapanood namin ang pelikula, mahusay rito si Zanjoe, huh! Subdued ang akting na ipinamalas niya.

Deserved niya na manalo.

Hindi nakadalo si Zanjoe sa awards night para personal na tanggapin ang kanyang tropeo. Nasa shooting siya at sobrang layo ng location kaya imposibleng makarating siya sa awards night. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here