Home ENTERTAINMENT Liza, inokray sa bagong talent agency!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Liza, inokray sa bagong talent agency!October 7, 2024 17:071920 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Where does Liza Soberano go from here?For the record, spanning her showbiz career–here and abroad–ay nakakatatlo nang talent management office na ang aktres.Liza started out being co-managed by Star Magic and Ogie Diaz.After ilang years, kumalas si Liza doon only to sign up with Careless Music, ang record label at management office ni James Reid.Only last September nang ianunsyo mismo ni James na wala na si Liza sa pangangalaga ng Careless.Ang Careless ang nagbigay daan para mabuksan ang pintuan ni Liza sa Hollywood.At nang kumalas nga mula sa Careless, this time around ay pumirma naman si Liza ng kontrata sa Wild Talent Management sa Singapore.Dito na siya inulan ng mga pang-ookray mula sa mga netizens.Post nga ng isa sa mga ito: “Careless noong una, then Wild… ano kasunod, Chaos?”Sey naman ng isa: “Asan na ang Hollywood?”Na sinagot naman ng isang netizen: “Nandu’n pa rin siya, wala nga lang project!”Dumepensa naman ang isa on Liza’s behalf: “Huwag atat! Hollywood ‘yon, hindi katulad saPilipinas!”Parang ang dating sa karamihan ng mga netizens, aimless ang career direction ni Liza.Na every chance she gets ay susunggaban niya ang kahit ano na lang management office to salvage her career.As usual, Liza is getting all the blame for her career decisions mula nang tumiwalag sa Star Magic at kay Ogie.“Look, where is Liza now?!” sey pa ng mga netizens na nanghihinayang sa sinapit ng aktres. Ronnie Carrasco III