Manila, Philippines- Ikinatuwa ni Cristy Fermin at dalawa niyang co-anchor sa Showbiz Now Na ang pagbasura ng city prosecutor sa demandang inihain nina Sarah at Abdel Lahbati laban sa kanila.
Kasama ni Cristy na off the hook na sina Romel Tsika at Wendell Alvarez.
Dismissed ang kasong cyberlibel, harassment, defamation at unjust vexation na isinampa ng mga magulang ni Sarah Lahbati.
Matatandaang March this year nang i-file ng Lahbati couple ang naturang kaso.
It just took all of six months.
Nagpapasalamat si Cristy at ang kanyang grupo sa tumayong legal counsel nila, si Atty. Ferdie Topacio.
Maging si Annabelle Rama, balae ng mga Lahbati ay pinasalamatan din nila.
Bumaba ang desisyon ng korte nitong October 1, Martes.
Insufficiency of evidence ang dahilan ng pagkakabasura ng apat na kaso.
Samantala, ayon mismo kay Cristy ay nakatakda na ring bumaba ang desisyon sa magkakahiwalay na kasong isinampa ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, Bea Alonzo at Dominique Roque. Ronnie Carrasco III