Home HOME BANNER STORY PH employment rate tumaas sa 96% noong Agosto

PH employment rate tumaas sa 96% noong Agosto

102
0

MANILA, Philippines- Tumaas sa 96% ang employment rate sa Pilipinas noong Agosto ngayong taon.

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na nakapagtala ito ng 95.6% sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.

Sinabi ni Mapa na ang resulta ng pinakabagong labor force survey ay nagpapakita na ang employment rate noong Agosto ay mas mataas kaysa sa naitalang 95.3% noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ang bilang ng mga employed Filipino noong Agosto 2024 ay 49.15 milyon, kung saan tumaas ang bilang ng employed persons noong Agosto 2023 na may 48.07 milyon at Hulyo 2024 na may 47.70 milyon.

Ang ‘top five industries’ na may malaking pagtaas ay ang’wholesale and retail trade (+1.13 million), public administration and defense (+678,000), accommodation and food service activities (+537,000), other service activities (+380,000), at transportation and storage (+342,000).

Sinabi ni Mapa na ang Labor Force Participation Rate (LFPR) noong Agosto at 64.8% o 51.22 milyong Pilipino na edad 15 taon at pataas na may trabaho o walang trabaho, tumaas mula sa 50.29 milyon noong Agosto ng nakaraang taon.

“The story basically is we have more female workers joining the labor force,” ang sinabi ni Mapa.

“Year-on-year between August 2023 and August 2024, about 1.03 million female workers joined the labor force and about 1.03 million were absorbed in the labor market, meaning they are employed. Most of them worked for more than 40 hours a week,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, ang unemployment rate ay bumagsak naman sa 4.0% mula sa 4.4% noong Agosto ng nakaraang taon at 4.7% naman ang naitalang noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay 2.07 milyon, mas mababa kaysa sa 2.22 milyon noong Agosto 2023 at 2.38 milyon noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ang bilang naman ng mga underemployed, o iyong mga nagpahayag na magkaroon ng karagdagang oras sa kasalukuyan nilang trabaho o karagdagang trabaho o bagong trabaho na may mababang oras ng trabaho ay nananatili sa 5.48 milyon, lumalabas na ang underemployment rate ay 11.2%, bumaba mula sa 11.7% noong Agosto 2023. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here