Home NATIONWIDE Tolentino, ikinalugod pagkakahirang sa pinakaunang babaeng gobernador ng Cavite

Tolentino, ikinalugod pagkakahirang sa pinakaunang babaeng gobernador ng Cavite

249
0
Si incoming Cavite Governor Athena Bryana Delgado Tolentino (ikalawa mula sa kaliwa) kasama si outgoing Governor Jonvic Remulla, na uupo naman bilang DILG secretary; Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino; Philippine Olympic Committee President at Tagaytay City Mayor Abraham 'Bambol' Tolentino.

MANILA, Philippines- Ikinalugod ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang pagkakahirang sa pinakaunang babaeng gobernador sa lalawigan ng Cavite.

Pormal nang manunungkulan bilang gobernador ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite si Bise Gobernador Athena Bryana Delgado Tolentino matapos siyang manumpa sa panunungkulan ngayong Martes, Oktubre 8.

Ito’y matapos italaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si outgoing Governor Jonvic Remulla bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Nanalo bilang gobernador si Tolentino sa halalan noong 2022 matapos manungkulan bilang konsehal ng lungsod ng Tagaytay mula 2019 hanggang 2022.

Si Tolentino ang pinakaunang babaeng gobernador at bise gobernador ng Cavite. Ipinanganak noong Hunyo 11, 1996, maituturing din sya bilang isa sa pinakabatang lider ng bansa sa edad na 26.

Siya ay anak ni Philippine Olympic Committee (POC) President at Tagaytay City Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino at pamangkin ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino.

Si Remulla ang hahalili sa pwesto ni dating Kalihim Benhur Abalos ng DILG matapos maghain ang huli ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para tumakbo sa pagka-senador sa mid-term polls sa susunod na taon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here