Home NATIONWIDE PBBM nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Pinoy na binitay sa KSA

PBBM nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Pinoy na binitay sa KSA

188
0

MANILA, Philippines – NAGPAABOT nang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ng Filipino na binitay sa Kingdom of Saudi Arabia.

Sinabi ng Pangulo na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng posibleng legal remedies para iapela ang desisyon ng Saudi Arabia.

Tiniyak naman ng Pangulo sa mga naulilang pamilya na tutulong ang gobyerno para maibalik sa bansa ang labi ng kanilang mahal sa buhay.

“That’s a terrible tragedy. Little we had left to do. We had very few options left. We tried everything and for many, many years. Our thoughts and prayers are with them. And we will… There is nothing that one can do to make it whole, but we will do our best,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“We’ll see what they need. But for someone who dies abroad, an OFW, there are many — we have many procedures for that to bring them back home. So, I don’t think that will be a problem,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na halos lima hanggang anim na taon nilang inilaban ang kaso ng pinoy.

Nalaman lang niya ito ng manungkulan sa pwesto at sinabi sa kanya na matagal na ang naturang kaso.

May maliit na lamang aniya silang magagawa at wala na silang pagpipilian gawin bagamat umapela rin sila sa mga kaibigan nila sa Saudi na mayroong mabu­buting puso para muling suriin ang kaso para masiguro na tama ang hatol.

Samantala, sinabi naman ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nirerespeto ng Philippine Embassy sa Riyadh ang hiling na ‘privacy’ ng pamilya ng Pinoy. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here