Home METRO Shabu lab sa Isabela giniba ng PDEA

Shabu lab sa Isabela giniba ng PDEA

139
0
(Image Representation Only)

CAUAYAN CITY- GINIBA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bodega at mga kagamitan ng laboratoryo ng shabu kahapon sa lungsod na ito.

Ayon kay Romarico Pagulayan, ng PDEA Isabela, sa bisa ng destruction order na ipinalabas ng korte, tuluyan nilang giniba ang laboratoryo na sinalakay noong Oktubre 2016 ng mga awtoridad matapos madiskubreng ginagamit itong pagawaan ng pinaniniwalaan shabu.

Sinabi naman ni John Kenneth Sangueza, chief chemist ng PDEA R02, aabot sa 1,600 kg na solid chemicals ang nakumpiska sa lugar, 7,700 liters na liquid chemicals, at 158 na piraso ng mga equipments.

Aniya, ang mga nakuhang kemikal mula sa laboratoryo ay dadalhin sa Valenzuela City at i-turn-over sa PDEA National Headquarters para sa tamang disposisyon.

Matatandaan, namatay sa nasabing pagsalakay dalawang Chinese national na sina Kim Punzalan Uy na kilala sa alyas na Atong Uy at Alias Lo Chi matapos manlaban sa mga awtoridad./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here