Home METRO Sunog sumiklab sa isang condo sa Ermita, Maynila

Sunog sumiklab sa isang condo sa Ermita, Maynila

161
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang unit ng Solana condominium sa Ermita, Maynila ngayong umaga.

Sa impormasyon ng BFP Manila, bandang 7:25 ngayong umaga nagsimula ang sunog sa unit na nasa ika-15 palapag ng gusali sa Natividad Lopez St. tabi ng Ayala bridge.

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga bumbero, ang sunog ay umabot lamang ng kalahating oras.

Naideklarang kontrolado ang apoy bandang 7:45 ng umaga bago tuluyang naapula makalipas ang ilang minuto.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Manila sa sanhi at halaga ng pinsalang dulot ng sunog

Wala naman naitala ang Emergency Medical Service ng BFP Manila na nasaktan sa insidente. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here