Home NATIONWIDE 20 pinay, nailigtas mula ‘surrogacy scheme’ sa Cambodia – Embahada

20 pinay, nailigtas mula ‘surrogacy scheme’ sa Cambodia – Embahada

123
0

NAILIGTAS ng Cambodian National Police noong huling bahagi ng Setyembre ang 20 Filipina na dinala sa Cambodia para sa surrogacy scheme.

Ang ‘surrogacy’ ay isang sayentipikong pagpupunla ng mga cell ng dalawang magulang na hindi na kayang magkaanak sa ibang babaeng pwedeng manganak

Sinabi ng Philippine Embassy sa Cambodia na naligtas ng Cambodian National Police ang mga 20 kababaihang Filipino noong

Setyembre 23 sa Kandal Province sa timog-silangang bahagi ng Cambodia.

Sa 20 kababaihan, 13 ang nasa iba’t ibang yugto ng kanilang pagbubuntis at nakatira sa isang lokal na ospital habang ang 7 naman ay naghihintay na makabalik ng bansa.

Sinasabing ang pagsagip sa mga naturang Filipina na ipinadala sa Cambodia para maging ‘surrogate mothers’ ay alinsunod sa anti-human trafficking at sexual exploitation law ng bansa.

Sinabi pa ng Embahada na ang mga kababaihan ay binigyan ng tamang suporta at binisita ng Embassy officials para sa tulong kabilang na ang personal at pre-natal needs.

Sa naging panayam sa 20 kababaihan, sila ay ni-recruit sa online. Ang kanilang recruiter, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin madetermina ang pagkakakilanlan at nasyonalidad, ang nag-ayos para sa kanilang pagbyahe sa iba’t ibang Southeast Asian country, bago pa pinadala sa Cambodia, kung saan ang ‘surrogacy’ ay ipinagbabawal.

Tinitingnan din ng Embahada ang pagkaka-ugnay ng ibang nasyonalidad sa krimen, may ilan kasi ang nasa pangangalaga ng local “nanny”, kasama ang apat na iba mula sa kalapit-bansa noong sila ay ligtas ng mga awtoridad.

“The Embassy continues to closely coordinate with the Cambodian authorities for the speedy resolution of this case, with a view to protecting the rights and welfare of the Filipino women,”ang sinabi ng Embahada. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here