Home NATIONWIDE Presyo ng palay ng NFA ibababa ng DA

Presyo ng palay ng NFA ibababa ng DA

169
0

MANILA, Philippines – UPANG maibaba ang presyo ng bigas nakatakdang ibaba ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng pagbili ng palay ng National Food Authority (NFA) para makatulong sa pagpapagaan ng presyo ng mga retail na bigas sa panahon ng tag-ulan.

“World prices, medyo bumaba na rin at hindi bababa ang presyo ng bigas sa merkado kung ang buying price (ng palay) pa rin ng trader at gobyerno ay mataas,” sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa isang ambush interview noong Miyerkules sa sideline ng pagdinig ng budget ng Senate committee.

“Hindi na ho PHP30. Sa ngayon PHP26, PHP27 na. By next week, nag-usap na kami ni NFA Administrator Larry Lacson, ibababa natin to PHP23. Pero siyempre, ipaalam muna natin sa mga magsasaka para hindi sila ma-shock,” sinabi ni Tiu Laurel.

Ayon pa sa DA Sa ilalim ng mas mataas na buying price scheme ng NFA, ang mga presyo ay mula PHP17 hanggang PHP23 kada kilo para sa sariwa o basang palay at PHP23 hanggang PHP30/kg para sa malinis at tuyo na palay.

Gayunpaman, tiniyak ni Tiu Laurel na masisiguro pa rin ng mga magsasaka ang tubo sa kabila ng pagbaba ng presyo ng bilihin.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Lacson na ang ibinabang presyo ng pagbili ay mananatili sa isang hanay upang makalaro sa merkado.

“Hindi naman talaga ito biglaang pagbaba ng presyo. As mentioned by the Secretary na (na) in a matter of 8 to 10 days, bababa na iyan,” ayon dito.

Nauna rito, sinabi ni Tiu Laurel na maaaring magsimulang maranasan ng publiko ang mas mababang presyo ng tingi ng bigas sa kalagitnaan o katapusan ng Oktubre, kung isasaalang-alang ang mga pagdating ng import sa ilalim ng mas mababang taripa at tag-araw na panahon ng pag-aani, na inaasahan ang buong epekto sa Enero. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here