Home NATIONWIDE Solo parents, dependents swak sa libreng telekonsulta ng PhilHealth

Solo parents, dependents swak sa libreng telekonsulta ng PhilHealth

172
0

Pinagbigyan na ng Philippine Health Insurance Corp.(PhilHealth) ang pagbibigay ng libreng teleconsult health services para sa mga solo parents at kanilang dependents, sinabi ni Camarines Sur Atty.LRay Villafuerte nitong Miyerkules.

Sinabi ni Villafuerte na ang nasabing PhilHealth benefit para sa single parents at kanilang mga anak na rehistrado o dependents na nakarehistro sa kani-kanilang Solo Parents Offices (SPOs) o Solo Parent Divisions (SPDs) ng bayan o munisipalidad kung saan sila nakatira ay bibigyan sa ilalim ng Philhelath Circular No. 2024-0020 na inilabas noong Sept.28 at naka-angkla sa Expanded Solo Parent Law.

Makakakuha rin Konsulta Package sa PHilHealth benefit ang mga solo parents na naayon sa umiiral na patakaran .

Ang mga benepisyong ito ng PhilHealth ay higit pa sa buwanang cash subsidy para sa mga nag-iisang magulang na kumikita ng minimum na sahod o mas mababa at isang 10% na diskwento kasama ang exemption mula sa 12% na value-added tax (VAT) sa ilang mahahalagang pagbili na ibinigay na ng batas.

Ang mga kwalipikadong solo parents ay may Karapatan din sa kaparehong probilehiyo sa pagbili ng branded o generic na gamot, bakuna at medical supplements, na inireseta ng doctor para sa kanilang paggagamot sa kanilang sakit gayundin sa kanilang mga kwalipikadong anak na niresetahan ng doktor.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here