UMAASA ang Department of Agriculture (DA) na ang presyo ng bigas ay dapat bumaba simula sa kalagitnaan ng Oktubre dahil ang mas mataas na presyo ng mga lumang stock ay nauubos at pinapalitan ng mas murang mga bagong stock, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel noong Martes.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Laurel na dapat bumaba ang presyo ng bigas sa huling quarter ng 2024 ngunit ang buong epekto ay mararamdaman sa Enero.
“I call it my fearless forecast, bababa na yan [rice] starting mid to end of October,” Tiu Laurel sabi nito sa mga senators.
“Kung ngayon P50 yan, dapat P45 at least.”
Kaugnay nito bumababa ang presyo ng bigas, ayon sa Philippine Statistics Authority, na humantong sa mas mabagal na inflation rate noong Setyembre.
Samantala sinabi rin ni Tiu Laurel sa mga senador na ibababa ng National Food Authority ang presyo ng palay sa P23 kada kilo sa susunod na linggo mula sa hanggang P27 kada kilo sa kasalukuyan.
“Pero siyempre, kailangan muna nating ipaalam sa mga magsasaka para di sila ma-shock,” ani Tiu Laurel. Aniya, kahit sa ganitong mababang presyo ng pagbili, kikita pa rin ang mga magsasaka.
Bunsod nito ang bansa ay nananatiling nangungunang rice importer sa mundo, ani Tiu Laurel. Tinataya niya na ang bansa ay nag-import ng 3.6 milyong tonelada noong nakaraang taon, habang maaari itong mag-import ng 3.8 milyong tonelada ngayong taon at 3.9 milyong tonelada sa susunod na taon.
Kaugnay nito bukod sa bigas, nakatakdang mag-angkat ang Pilipinas ng mga produkto tulad ng isda, puting sibuyas at maging ang luya para patatagin ang presyo ng mga bilihin.
Samantala, hindi inaasahang tataas ang presyo ng baboy sa pagdating ng panahon ng Pasko, aniya. Ito ay dahil ang mga magsasaka ng baboy ay pinipili na katayin ang kanilang mga baboy dahil sa takot na sila ay mahawaan ng African swine fever. (Santi Celario)