Home NATIONWIDE Curlee Discaya inilipat sa Bulacan Jail matapos 9 buwan sa Senate custody

Curlee Discaya inilipat sa Bulacan Jail matapos 9 buwan sa Senate custody

3
0

MANILA, Philippines – Inilipat ngayong Lunes, June 8, 2026, sa Bulacan Provincial Jail si contractor Pacifico “Curlee” Discaya matapos ang mahigit siyam na buwan sa Senate custody habang nahaharap sa non-bailable na kaso ng graft at malversation of public funds through falsification of public documents.

Si Discaya at 10 iba pa, kabilang ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineering Office, ay kinasuhan dahil sa umano’y iregularidad sa ₱54-milyong flood-control project sa Calumpit, Bulacan.

Pinangunahan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang paglipat ni Discaya mula Senado patungong Bulacan. Dumating siya sa Bulacan RTC compound bago pa ang pagdating ng akusado na kinuha sa Senado bandang 7 a.m.

Ayon kay Remulla, siyam sa 11 akusado ay naaresto na, kabilang si Discaya at ang asawa nitong si Sara Rowena Discaya na nakakulong sa Cebu. Dalawa pa, sina Ernesto Galang at Lorenzo Pagtalunan, ay nananatiling at-large.

“It is up to the court to decide where he will be detained, but this shows that Discaya will be treated like any ordinary person deprived of liberty and not as a VIP,” sabi ni Remulla.

Ayon sa abogado ni Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego, hihiling sila ng piyansa at iginiit na mahina umano ang ebidensya ng prosekusyon.

“Even in non-bailable cases, the court may grant bail if the evidence of guilt is not strong,” aniya.

Dagdag pa ng abogado, handa si Discaya sa paglilitis at umano’y nakikipagtulungan na siya sa mga awtoridad at maglalabas pa ng mahigit 150 pangalan na posibleng sangkot sa flood-control controversy matapos umano niyang maalala ang mga ito habang nakakulong. RNT/MND (larawan ni Cesar Morales)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here